‘Bomb Maker’ ng NPA sa Nueva Ecija, sumuko

Ayon kay Army Lt.Col. Enrico Gil Ileto, commanding officer ng 84IB, ang sumuko na si alyas “Ka Wing”, 34, isang miyembro ng 2019 LGP1 ay kusang-loob din na nagsuko ng dalawang IEDs o improvised explosive device, kasama ng isang 20-meter detonating cord, isang 500ml bottle na may laman na 125ml phosphorous black powder at dalawang improvised explosive device na anti-tank.
STAR/ File

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija, Philippines — Isang tagumpay para sa pamahalaan ang pagsuko ng itinuturing na isang “bomb making expert” ng rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakalawa, sa mga tauhan ng 84th Infantry (Victorious) Battalion ng Philippine Army, dito.

Ayon kay Army Lt.Col. Enrico Gil Ileto, commanding officer ng 84IB, ang sumuko na si alyas “Ka Wing”, 34, isang miyembro ng 2019 LGP1 ay kusang-loob din na nagsuko ng dalawang IEDs o improvised explosive device, kasama ng isang 20-meter detonating cord, isang 500ml bottle na may laman na 125ml phosphorous black powder at dalawang improvised explosive device na anti-tank.

Ayon kay Ileto, si alyas “Ka Wing” ay 5 taon na nag-operate sa lalawigang ito at inilarawan na isang eksperto sa paggawa ng IEDs at miyembro umano siya ng LGP1 o Larangang Gerilya sa Patag 1.

“Ako po ay nagbalik-loob at nagsurender sa ating mga kasundaluhan  sapagkat napagtanto ko na ako lamang ay nililinlang, ginagamit, at pinangakuang mabibigyan ng lupain ng teroristang NPA, at para makapamuhay nang maayos kasama ng aking pamilya at malinis ang aking pangalan,” sabi ni “Ka Wing”, na sumuko sa loob ng Camp Gatan, dito, ganap na alas-2 ng hapon noong Miyerkules.

Muling ipinanawagan ni Ileto sa mga natitirang miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) na talikuran na ang teroristang organisasyon at gamitin ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan upang mamuhay nang mapayapa, kasama ang kanilang mga pamilya.

Show comments