^

Probinsiya

2 tulak tiklo sa higit P400K droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Timbog sa mga otoridad ang dalawang lalaki na sinasabing tulak ng droga at nakumpiskahan ng  nasa 66 gramo ng shabu sa anti-illegal drugs operation sa San Mateo, Rizal,kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Maj. Joel Costudio hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Rizal ang dalawang nadakip na sina Lucky Saavedra y Teves, 27,alyas “Luck” residente ng Salamat St., Matahimik Compound, Brgy., Ampid ll; at Rodsan Amparo y Baluyot, 32,nakatira sa No. 4B Kalayaan St., Ampid l, kapwa ng San Mateo Rizal.

Sinabi ni P/Lt. Jackson Aguyen ng Rizal-PIU,alas-4:45 ng madaling araw nang madakip sa anti-drugs operation sa Gen. Luna Highway, Brgy., Ampid-1 ang 2 suspek.

Sinasabing nakatanggap ng impormasyon ang pulisya sa lantarang pagtutulak ng droga ang dalawang suspek kaya isinagawa ang drug operation.

Nasamsam sa dalawa ang 11 transparent plastic sachet containing white crystalline substance suspected shabu na nasa 66 gramo at nagkakahalaga ng P448,800.00 pesos, buy-bust money at mga shabu paraphernalia.

Nakakulong ngayon ang dalawa sa selda ng   San Mateo PNP at nahaharap sa kasong drug pushing.

TIMBOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with