^

Probinsiya

Titser sibak sa ‘sexual abuse’ sa 3 estudyante

Bebot Sison Jr. - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines — Isang lalaking guro ng mataas na paaralan ang sinibak sa serbisyo matapos na mapatunayang nang-abusong seksuwal sa tatlong lalaking estud­yante nito noong 2018 sa lungsod na ito.

Kinilala ng Department of Education (DepEd) ang tinanggal sa serbisyo na si Franco Arañas, guro ng New Cabaan National High School.

Si Arañas ay napatunayang guilty sa “grave misconduct” dahil sa pangmomolestya sa kanyang tatlong menor-de-edad na estudyante.

Naglabas ng hatol na “immediate dismissal” sa government service ang DepEd (DepEd) laban kay Arañas noong Mayo 12, 2022, alinsunod sa Rules of Procedure ng kagawaran sa mga kasong administratibo.

“Arañas’ dismissal from service is a success for the minor victims and for all those who believed and supported them the past several years,” pahayag ni Preda Foundation Exe­cutive Director Emmanuel Drewery.

Sa isang desisyon na may petsang Oct. 7, 2021, tinukoy ni DepEd Region 3 Director May Eclar na nagkulang si Arañas sa pagsunod sa mga ipinatutupad na pamantayan na inaasahang ipakikita nito bilang “educator” o panga­lawang magulang ng kanyang mga estudyante at bilang isang pampublikong kawani.

Nabatid na isiniwalat at isinalaysay ng tatlong kabataang estudyante ang pang-aabusong seksuwal na ginawa sa kanila ng nasabing guro sa dalawang magkahiwalay na insidente sa loob ng Sunshine Hotel sa Olongapo City.

Ayon sa mga biktima, pinuwersa umano sila ng guro para sa “oral at anal sex”.

Pinabulaanan naman ni Arañas ang mga aku­sasyon at iginiit na nasa trabaho siya at dumalo sa isang party sa mga petsang tinukoy ng mga biktima na sila ay minolestiya.

Sa kabila nito, hindi pinaniwalaan ng DepEd ang alibi ng guro dahil sa kabiguan din nitong maglabas ng pruweba na wala siya sa “scene of the crime” nang maganap ang pang-aabuso.

Ang kasong administratibo laban kay Arañas ay naisampa noong Marso 2019 at gumulong ang pagdinig nito hanggang sa lumabas ang hatol na pagkakasibak sa kanya.

Ang dismissal ni Arañas ay may katapat na parusang pagkakansela sa kanyang lisensya bilang guro, pagkawala ng retirement benefits nito at pagkakatanggal sa serbisyo sa gobyerno.

SEXUAL ABUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with