^

Probinsiya

Tserman at ‘kalaguyo’ huli sa akto sa resort

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

BULAN, Sorsogon, Philippines — Huli sa akto ang isang kapitan ng barangay at ang misis ng isang tricycle driver habang magkasama at nag­lalampungan umano sa loob ng kuwarto ng resort sa Sitio Pawa, Brgy. Lajong ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Kasong “adultery” ang nakatakdang isampa laban kay Ariel Ollosca Gupit, 47-anyos, residente at incumbent barangay chairman ng Brgy. Aquino, Bulacan at Sharon Gipa Red, 39-anyos, may-asawa, residente ng kaparehong lugar.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay humingi ng tulong sa Bulacan Police ang tricycle driver na mister na kinilala lamang sa pangalang “Boy” makaraang malaman nitong nag-check in ang kanyang misis at kanilang kapitan sa isang kuwarto ng Joyland Resort sa Bulan.

Mabilis namang nagresponde ang mga pulis at pinasok ang room number 8 ng resort at nahuli ang “magkalaguyo” sa nasa loob ng isang kuwarto.

RESORT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with