Drug pusher na dalawang beses nakulong, timbog sa P7 milyong shabu

Kinilala ang nadakip na suspek na si Melvin Salazar, 32, lumad, tubong Barangay Zapatera, Cebu at nakatira sa Barangay Maribago ng nasabing lungsod.
Boy Santos, file

LAPU-LAPU CITY, Philippines — Isang drug pusher ang naaresto ng mga otoridad at nakumpiska ang nasa P7 milyon na shabu nitong Miyerkules sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Melvin Salazar, 32, lumad, tubong Barangay Zapatera, Cebu at nakatira sa Barangay Maribago ng nasabing lungsod.

Sa pinagsamang report ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) Lapu-Lapu City Police Office (LCPO), alas-2:00 ng hapon nang mahuli ang suspek sa Sityo Firecrash, Barangay Bangkal, ng naturang lungsod.

Ayon kay Police Lieutenant Noah Añana, ng CDEU-LCPO katuwang nila sa ope­rasyon ang City Intelligence Unit-LCPO at Naval Forces Central (NAVFORCEN), matapos makatanggap ng operasyon hinggil sa malaking halaga ng shabu na bitbit ng suspek.

Nakuha mula sa suspek ang higit sa 1-kilo ng shabu na may street price na P7 milyon base sa Dangerous Drugs Board (DDB) value.

Nabatid na dalawang beses ng nakulong ang suspek sa kasong paglabag sa illegal drugs at nakalaya lamang ito sa plea bargaining noong 2018 at 2020.

Nagsasagawa naman ng follow-up investigation ang pulisya para tumbukin kung sino ang pinagkukunan ng suspek na ayon sa kanya ay binayaran lamang siya ng P10,000.00 para ibagsak ang droga.

Show comments