^

Probinsiya

Senglot nag-amok: Mister pinagtataga

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MINALABAC, Camarines Sur, Philippines — Kahindik-hindik na kamatayan ang sinapit ng isang 34-anyos na lalaki matapos pagtatagain sa ulo at katawan ng isang lasing na magsasaka sa Zone-7, Brgy. Salingogon ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Malalalim na taga sa ulo at saksak sa katawan ang agarang ikinasawi ng biktimang si Ramon Parone Sy, may-asawa ng Brgy. San Juan-San Lorenzo Poblacion, Minalabac habang tinutugis na ng mga pulis ang suspek na nakilalang si Mardie Basagre Belgica, 26-anyos, residente rin sa natu­rang barangay.

Sa ulat, dakong alas-7 ng gabi matapos mala­sing sa inuman ang suspek ay nagwala ito dala ang mahabang itak.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla nitong tinaga sa ulo at sinaksak sa dibdib ang biktima. Nang duguang humandusay ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek paakyat sa bulubunduking lugar ng barangay.

Narekober ng mga rumespondeng pulis ang duguang dalawang talampakang haba ng itak na ginamit ng suspek sa pamamaslang.

SENGLOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with