^

Probinsiya

Paslit pinatay ng naburyong na tatay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

NUMANCIA, Aklan, Philippines — Wala ng buhay nang matagpuan ang isang 6-anyos na batang lalaki na pinagsasaksak ng sariling ama na may depresyon nitong Miyerkules sa bayang ito.

Nakiusap ang pamilya na hindi pangalanan ang bata na ang ina ay isang aktibong pulis sa Barangay Laguinbanua East, Numancia.

Naka-hospital arrest naman ang suspek at ama ng biktima na itinago sa pangalang Dodoy, 30-anyos, residente ng Barangay Bubog, Numancia, Aklan.

Batay sa report ng Numancia Police Station, bago ang insidente ay nagtungo ang suspek sa bahay ng kanyang mga biyenan at kinuha niya ang biktima saka dinala sa bahay nito.

Ilang oras ang makalipas, sinundo ng kanyang lola at lolo ang bata dahil sa hindi sila nagtitiwala sa suspek subalit paglabas nito ng bahay ay puno ng dugo ang damit at hawak-hawak ang dalawang kutsilyo.

Pagpasok sa kuwarto ng suspek, nakita na lamang ang bata na wala ng buhay at tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Agad naman silang humingi ng tulong sa mga otoridad subalit tinangkang magpakamatay ng suspek sa pamamagitan ng pag- l­aslas sa tiyan.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen, naaresto ang suspek at nakuha ang dalawang kutsilyo saka lubid na posibleng gagamitin sana nito sa pagpapatiwakal.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang suspek at misis nitong pulis dahil na rin umano sa kondisyon ng mister.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso laban sa suspek.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with