^

Probinsiya

Totoy lunod sa pool sa family outing

Eva Visperas - Pilipino Star Ngayon

SAN FABIAN, Pangasinan, Philippines —  Nauwi sa trahedya ang masayang family outing matapos na isang 6-taong gulang na batang lalaki ang nasawi nang malunod sa swimming pool sa isang resort sa Barangay Nibaliw Vidal, dito noong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mark Joshua Estrada, residente ng Barangay Prenza Uno, Marilao, Bulacan.

Ang batang biktima ay nalunod sa may 7-talampakang lalim na pool habang ang kanyang ina na si Paola Michaela Sandiego, 24, at iba pang miyembro ng kanilang pamilya ay abala sa paghahanda ng kanilang mga gamit dahil pauwi na sila sa kanilang tirahan sa Bulacan.

Agad dinala ang biktima sa Region 1 Medical Center Annex sa Dagupan City pero idineklara ng sumuring doktor na dead-on-arrival.

Wala umanong naka-duty na lifeguard sa nasabing resort nang maganap ang insidente.

vuukle comment

ANNEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with