^

Probinsiya

Binata inatado ng saksak ng tatlong mag-utol, dedbol

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Binata inatado ng saksak ng tatlong mag-utol, dedbol
Napuruhan nang malalalim na saksak sa katawan ang biktimang si Angelo Satembre,residente ng naturang lugar habang isa namang nagngangalang Reynier ang sugatan.
STAR/ File

DARAGA, Albay, Philippines — Isang 23-anyos na binata ang nasawi habang isa ang sugatan matapos pagsasaksakin ng tatlong magkakapatid na kanilang kainuman sa Brgy.Gabawan ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Napuruhan nang malalalim na saksak sa katawan ang biktimang si Angelo Satembre,residente ng naturang lugar habang isa namang nagngangalang Reynier ang sugatan.

Tinutugis na ang tumakas na mga suspek na si Anthony Borromeo,31-anyos,Randy, 34 at Andre, 40.

Sa ulat,nag-iinuman ang mga biktima at suspek nang magkaroon ng mainit na pagtatalo dahilan para magkasuntukan.

Bumunot ng patalim ang isa sa magkakapatid at pinagsasaksak ang mga biktima.Mabilis na isinugod ang mga biktima sa pinakamalapit na pagamutan pero kalaunan ay nasawi habang nilalapatan ng lunas si Satembre.

ANTHONY BORROMEO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with