Tsinoy trader dinedo ng nakamotorsiklo

Kinilala ni P/Senior Master Sergeant Ryan Pagcaliwanggan ng Ibaan police ang biktimang si Peterson Co, 49, ng Barangay Bolbok, Batangas City at may-ari ng Society Glass Inc.
STAR/ File

IBAAN, Batangas, Philippines — Dead on the spot ang isang  negosyante matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek,kamakalawa ng hapon sa bayang ito.

Kinilala ni P/Senior Master Sergeant Ryan Pagcaliwanggan ng Ibaan police ang biktimang si Peterson Co, 49, ng Barangay Bolbok, Batangas City at may-ari ng Society Glass Inc.

Ayon sa report, alas-3:35 ng hapon ay nasa project site sa Barangay Coliat si Co nang biglang ang mga suspek na nakamotorsiklo ay walang kaabug-abog na pinagbabaril ito na agad nitong ikinasawi dahil sa mga tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.

Narekober ng SOCO team sa crime scene ang anim na basyo ng caliber 45 pistol at ang dalawang cellphone ng biktima. — Ed Amoroso

Show comments