^

Probinsiya

‘Tunnel Gang’ umatake: P.7 milyong cash sa ATM nilimas

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
âTunnel Gangâ umatake: P.7 milyong cash sa ATM nilimas
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Santiago Police, gumawa ng tunnel ang mga suspek mula sa inupahang bahay patungo sa isang drainage canal kung saan sila dumaan hanggang sa tapat ng isang bangko at muling gumawa ng isa pang tunnel patungo naman sa target na ATM.
STAR / File

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Tinatayang nasa P714,000 cash sa isang Automated Teller Machine (ATM) ang tinangay ng mga hindi pa natutukoy na mga suspek matapos silang gumawa ng tunnel patungo sa isang bangko sa Barangay Magsaysay, Cordon sa lalawigang ito, ayon sa ulat kamakalawa. 

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Santiago Police, gumawa ng tunnel ang mga suspek mula sa inupahang bahay patungo sa isang drainage canal kung saan sila dumaan hanggang sa tapat ng isang bangko at muling gumawa ng isa pang tunnel patungo naman sa target na ATM.

Nadiskubre na lamang ng naka-duty na security guard ang isang butas nang buksan niya ang bank ma­nager’s office kung saan wasak na ang ATM at nalimas ang laman na pera.

Ayon sa teyorya ng pulisya, maaaring matagal na umanong plinano ng mga suspek ang nasabing pagna­nakaw dahil sa malinis ang kanilang trabaho at galaw.

Pinag-aaralan nga­yon ng mga awtori­dad ang mga kuha ng CCTV Camera sa loob at labas ng bangko kabilang na ang mga kalapit na establisi­mento para sa posibleng pagkakilanlan sa mga suspek. 

ROBBERY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user