^

Probinsiya

11-anyos nahulog sa balon, patay

Michelle Zoleta - Pilipino Star Ngayon

PITOGO, Quezon, Philippines — Isang 11-anyos na batang lalaki ang nasawi nang mahulog sa balon habang sumasalok ng tubig sa Brgy. Soliyao ng ba­yang ito,ayon sa pulisya.

Kinilala ang nasawi na si Jun Jun Madridano, na nahulog sa balon na  22 talampakan na lalim sa nasabing barangay noong Pebrero 28.

Batay sa ulat ng pulisya, pasado alas-11:00 ng umaga ay sumasalok ng tubig ang biktima sa nasabing balon na malapit sa kanilang bahay para gamitin pampaligo.

Habang sumasalok ay nadulas ito at deretsong nahulog sa balon at nalunod.

Rumesponde sa lugar ang isang rescue team upang sagipin ang bata,subalit patay na ito nang maiahon.

SOLIYAO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with