^

Probinsiya

90% botante sa Surigao del Sur suportado ang BBM-Sara tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 80 hanggang 90 porsiyento ng kabu­uang 500,000 rehistradong botante ng Surigao del Sur ang tiniyak kahapon ng isang kongresista na susuporta sa tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos at Sara Duterte para sa nalalapit na May 9 national elelctions.

“As secretary general of the party, I am very supportive of her programs and I am very supportive of her candidacy here in Surigao del Sur. The leadership of the Lakas-CMD in Surigao del Sur, which is headed by me will see to it that we will get the biggest margin for both BBM-Sara,” ayon kay Deputy Speaker at 1st District Surigao del Sur Rep. Prospero “Butch” Pichay Jr., Lakas-MD Secretary General, pahayag ni Pichay.

“I will deliver ninety percent votes out of the voters’ turnout to BBM-Sara. That is doable,” dagdag ni Pichay

Nitong Martes ng hapon ay nag-ikot ang “Mahalin Natin ang Pilipinas Ride” motorbike caravan ni Sara sa balwarte ni Pichay sa Surigao del Sur kung saan nasa 1,000 lokal na mga riders ang nag-escort sa vice presidential candidate ng Lakas-CMD sa Bislig City.

Pinangunahan din ni Duterte ang inagurasyon ng UniTeam Lakas-CMD campaign headquarters kasama si Pichay at misis nitong si Cantilan, Surigao del Sur Mayor Carla Pichay, kandidatong gobernador gayundin ang iba pang lokal na lider sa lalawigan.

SARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with