^

Probinsiya

Magdyowa huli sa higit P1 milyong shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

PAGBILAO, Quezon, Philippines – Kalaboso ang mag-live in partner makaraang masakote sa buy-bust operation at makumpiskahan ng mahigit P1 milyong ha­laga ng droga, kamakalawa ng umaga sa Sitio Lagpan, Barangay Ibabang Palsabangon ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na sina Jhon Nico Reyes Talingting at Sharmaine Lecaros Ferreras.

Ayon sa mga otoridad, tinatayang aabot sa P1,316,004.00 ang halaga ng pinaghihinalaang shabu na nakum­piska sa mga suspek nang magpositibo ang transaksyon sa kanila ng isang poseur buyer.

Base sa imbestigas­yon, 14 plastic sachet ng shabu at P10,000 marked money ang nabawi sa mga suspek na kinasuhan na ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

MONEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with