^

Probinsiya

Negosyante dawit sa drug trade, itinumba

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang negos­yante na sangkot umano sa drug trade ang pinagbabaril ng dalawang hindi kilalang lalaki na nagkunwaring kustomer habang nasa loob ng kanyang tindahan sa Rosario, Ba­tangas kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Major Carlo Caceres, hepe ng Rosario Police ang biktima na si Rodel Alegria ng Brgy. Puting Kahoy, Rosario, Batangas.

Ayon kay Caceres, dakong ala-1 ng hapon habang abala sa loob ng kanyang tindahan si Alegria nang dumating ang dalawang lalaki na nagpanggap na mga customer at binaril sa ulo ang biktima na agad nasawi sa insidente.

Nang makitang napuruhan ang negosyante, mabilis na naglakad ang mga suspek patakas.

Sinabi ni Caceres na tinitingnan na ng kanyang mga tauhan ang motibo na “double cross” at “drug related” sa naturang krimen.

Aniya, ang biktima ay nasa Tokhang list sa barangay at base sa imbes­tigasyon ay patuloy ang gi­nagawa nitong mga illegal na aktibidad sa droga.

DRUG TRADE

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with