^

Probinsiya

Instructor ng PNP-SAF, tepok sa accidental firing

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon

CAMP OLIVAS, Pampanga, Philippines — Isang pulis na instructor ang nasawi matapos ang insidente ng “accidental firing” sa loob ng Special Action Force (SAF) Training Center sa Barangay San Vicente, Magalang, Pampanga, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Police Master Sergeant Godfrey Marquez Cagdan, 38, tubong Candon, Ilocos Sur at SAF instructor ng naturang training center.

Sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Magalang Police mula kay Staff Sergeant Lovely Curilan Pu­ngos, 31, kaugnay sa umano’y accidental firing na nangyari sa kanilang barracks.

Sinabi ni Pungos sa pulisya na isang Master Sergeant Michael Balungay ang nakarinig ng isang putok ng baril mula sa barracks ng biktima at nang kanyang puntahan ay nakitang nakasalampak at duguang nakasandal ang ulo sa kanyang higaang gawa sa kawayan.

Iniutos na ni Brig. Gen. Matthew Baccay, director ng Police Regional Office-3 (PRO3), sa Magalang Police na magsagawa ng imbestigasyon sa sinasabing accidental firing.

SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user