_ngayon
^

Probinsiya

Bahay sinalpok ng truck: 2 patay, 3 sugatan

Gilbert Bayoran - Pilipino Star Ngayon
Bahay sinalpok ng truck: 2 patay, 3 sugatan
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina JR Cordero, 30, na namatay noon din; at kanyang 58-anyos na ina na si Ermie na idine­kla­rang dead-on-arrival sa Don Salvador Benedicto Memorial Hospital sa La Carlota City.
Graphic by Philstar/John Villamayor

BACOLOD CITY, Philippines — Patay ang isang mag-ina matapos salpukin ng isang 10-wheeler truck na puno ng tubo ang kanilang bahay habang tatlo pa ang sugatan kabilang ang dalawang bata sa Brgy. Antipolo sa Pontevedra, Negros Occidental, kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina JR Cordero, 30, na namatay noon din; at kanyang 58-anyos na ina na si Ermie na idine­kla­rang dead-on-arrival sa Don Salvador Benedicto Memorial Hospital sa La Carlota City.

Ayon sa ulat ni P/Capt. Hancel Lumandaz,  acting police chief ng Pontevedra Police, sa Negros Occidental Police Provincial Office, habang binabagtas ng 10-wheeler Isuzu truck na may kargang sugarcane at minamaneho ng isang Henry Salgado Sr, kasama ang 8-anyos na anak na lalaki nang mabangga nito ang road railings hanggang sa tuluy-tuloy na sumalpok sa bahay ng pamilya Cordero na nagresulta sa pagkasawi ni JR at nanay nito.

Nasugatan naman sa insidente ang mag-amang Salgado at isang 12-anyos na kapamilya ng nasawing mag-ina.

Sinabi ng Pontevedra Police, ang dalawang bata ay nagtamo lamang ng bahagyang sugat sa insidente subalit ang driver ng truck na si Salgado Sr. ay nasa kritikal umanong kondisyon.

Ang bahay naman ng mga nasawi ay “totally damaged”, dagdag ng pulisya.

ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with