_ngayon
^

Probinsiya

‘Panagbenga 2022’ sa Baguio, tuloy

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
âPanagbenga 2022â sa Baguio, tuloy

BAGUIO CITY, Philippines — Sa kabila ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19, inanunsyo kahapon ng lokal na pamahalaan ng Baguio­ City na tuloy ang se­lebrasyon ng ika-27 edis­yon ng Baguio Flower Festival (BFF) o “Pa­nagbenga 2022” sa lungsod.

Gayunman, nilinaw na walang malaking pagtitipon ng mga tao ang magaganap hindi gaya ng mga nagdaang taon na inabangan ang festival dahil sa tradisyunal na street dancing at flower float parades.

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, ang crowd-drawing activities na kinabibila­ngan ng opening parade, street dancing at flower float parade ay iiwasan. 

 Ang bagong kasunduan para sa naturang event ay isinagawa ka­sama ang private organizer na Baguio Flower Festival Foundation, public sector at ni Baguio Country Club Ge­neral manager Anthony de Leon present. 

Ang tradisyunal na mga aktibidad na gaganapin sa Session Road ay ang Bloom, Flower Golf Tee, ang Philippine Military Academy homecoming, Let A thousand flowers bloom, Open kite exhibition, Cultural show, grand fireworks, at Pony boys’ day.

Mahigpit namang ipatutupad sa event ang minimum public health standards (MPHS), pagsusuot ng face mask, social distancing at hand washing.

Ang festival ay isasagawa umano sa Peb­rero o maaaring Marso.

COVID-19 PANAGBENGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with