^

Probinsiya

2 patay, 2 sugatan sa motorcycle mishap

Bebot Sison Jr. - Pilipino Star Ngayon
2 patay, 2 sugatan sa motorcycle mishap
Kapwa idineklarang dead on arrival sa San Marcelino District Hospital ang motorcycle riders na sina Steven Fariñas,18, at Jomari Garcia, 19.
STAR/ File

SAN ANTONIO, Zambales , Philippines — Dalawang katao ang nasawi habang dalawa ang nasugatan sa naganap na salpukan ng dalawang motorsiklo, noong Sa­bado sa Sitio Loong, Barangay Luna ng ba­yang ito.

Kapwa idineklarang dead on arrival sa San Marcelino District Hospital ang motorcycle riders na sina Steven Fariñas,18, at Jomari Garcia, 19.

Sa imbestigasyon ng pulisya, na si Garcia ay minamaneho ang motorsiklo at binabaybay ang southbound papunta sa bayan ng San Marcelino, alas-11:00 ng gabi nang ito ay sumalpok sa isa pang motorsiklo na minamaneho ni Fariñas patungong northbound.

Ang sakay naman ni Fariñas na sina Jonel Barantes, 22, at 12-anyos na batang lalaki ay tumilapon at bumagsak sa kalsada at sila rin ay dinala sa nasabing ospital para malapatan ng lunas.

MARCELINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with