^

Probinsiya

Notoryus na drug pusher dedo sa buy-bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Notoryus na drug pusher dedo sa buy-bust
Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi­ ang suspek na kinila­lang si Junnie Oporto­ Barrios, 33, may asawa, residente ng naturang barangay at nasa lis­tahan ng regional reca­librated priority data­­base ng PRO5 at tat­long beses nang naaresto sa kasong pagtutulak, pero nakalabas maka­raang bigyan ng probation.
STAR/File

BOMBON, Camarines Sur, Philippines — Bulagta ang isang notoryus na tulak ng droga habang sugatan ang isang pulis matapos maki­pagbarilan ito sa isang buy-bust operation sa Zone-3, Brgy. San Ro­que ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi­ ang suspek na kinila­lang si Junnie Oporto­ Barrios, 33, may asawa, residente ng naturang barangay at nasa lis­tahan ng regional reca­librated priority data­­base ng PRO5 at tat­long beses nang naaresto sa kasong pagtutulak, pero nakalabas maka­raang bigyan ng probation.

Kasalukuyang nila­lapatan naman ng lunas sa Bicol Medical Center sa Naga City makaraang tamaan ng punglo sa katawan ang pulis na si Cpl. Ronald Largo Serrano.

Sa ulat, alas-10:20 ng gabi ay kumagat ang suspek sa inilatag na buy-bust operation ng Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit at Bombon Police.

Gayunman, nang magkaabutan ng droga­ ay nakahalata ang sus­pek sa senyas ng po­­seur buyer kaya bu­munot ito ng baril at pinutukan ang papalapit na operatiba dahilan para tamaan si Cpl. Serrano.

Agad namang gumanti ng mga putok ang ibang pulis dahilan para tumimbuwang ang suspek at napatay.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre 38 baril, mga bala at dalawang sachet ng shabu.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with