2 motor nagsalpukan: 1 todas,1 kritikal

BACOOR CITY, Cavite, Philippines — Patay ang isang 45-anyos na rider nang makabangga ang kasalubong na motorsiklo sa kahabaan ng Molino-Zapote Road Brgy. Aniban V, ng lungsod na ito kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Alberto Pioquinto, habang kritikal ang nakasalpukan nito na si Danny Dimayuga,23, residente ng Ligas, Bacoor City.

Sa imbestigasyon, bago naganap ang aksidente, ala-1:10 ng madaling araw ay  sakay ang biktimang si Pioquinto, ng kaniyang motorsiklo nang makasalpukan ang motorsiklo na minamaneho ni Dimayuga.

Kapwa tumilapon ang dalawa na agad namang naitakbo sa St. Dominic Medical center,subalit idineklarang dead on arrival si Pioquinto habang malubhang nasugatan si Dimayuga.

Show comments