^

Probinsiya

11-anyos inararo ng van, patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

TANZA, Cavite, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 11-taong gulang na batang lalaki, matapos itong araruhin ng isang van habang naglalakad sa Brgy. Paradahan 2 ng bayang ito,kahapon.

Nagkabali-bali ang katawan ng biktima na nakilalang si Armando Pascual Jr., residente ng  Blk-14 Lot-14 Sec-13 Ph-1, Pabahay 2000, Brgy. Paradahan 2, Tanza, Cavite.

Arestado naman ang driver ng van na nakilalang si Loreto Yacat Jr., 38-anyos, residente ng Blk-7 Lot-22, Regina Vill 2000, Brgy. Inocencio, Trece Martires City, Ca­vite.

Sa imbestigasyon, alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente, kung saan naglalakad ang biktima na bigla na lamang itong araruhin ng NV350 van na may plate no. NAT 4136 na minamaneho ng suspek.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang biktima dahilan upang magkabali-bali ang ibang bahagi ng buto at maging ang kanyang ulo.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with