12 dinakip sa iligal na pagmimina

MANILA, Philippines — Labindalawang indi­bidwal ang inaresto ng National Bureau of Investigation Environmental Crime Division dahil sa pagkakadawit sa illegal quarrying at mining operations sa Rodriguez, Rizal.

Ang nasabing ak­syon­­ ng NBI-EnCD agents ay nagmula sa reklamong nagsasa­gawa umano ang mga naaresto ng illegal quarrying activities si­mula pa noong 2019 sa nasabing lugar.

Sinabi ni NBI-EnCD chief Jun Carpeso na may permit naman­umano ang mga na­aresto pero nagsasa­gawa sila ng operasyon na labas dito.

“This company has been extracting gravel and sand despite only having a landfill permit,” ani Carpeso.

Kasama sa nasabat ang mga heavy equipment na ginagamit sa iligal na aktibidad. Na­haharap sa kasong pag­labag sa Philippine Mining Act of 1995 ang mga naaresto.

Show comments