2 estudyante binaril sa loob ng campus, todas

MANILA, Philippines — Dalawang estu­dyante ang nasawi nang sila ay pagbabarilin ng riding in tandem sa loob ng Mindanao State University sa Marawi City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Omar Maruhom Zainal at Hamza Ariong Rauf dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat,alas-6:00 ng gabi ay ­naglalakad ang dalawa ­pauwi sa sa kanilang ­dormi­toryo nang ­biglang pagbabarilin ng dalawang  lalaki na sakay ng  motorsiklo sa  isang commercial  center sa loob ng  MSU campus.

Natukoy na ng pulisya ang mga suspek at nagsasagawa ng manhunt operation laban sa mga ito.

Show comments