_ngayon
^

Probinsiya

Mag-asawang misyonaryo tusta sa sunog

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang misyonaryo tusta sa sunog
Kinilala ang mga nasawi na sina Jonathan Steffy at ang misis nito na si Roberta, parehong nasa hustong gulang at kapwa American missionaries ng Mt. Calvary Baptist Church.

NORTH COTABATO, Philippines — Patay na nang matagpuan ang mag-asawang Amerikanong misyonaryo matapos na masunog ang kanilang inuupahang bahay sa Kings Street, Quennies Love Village Subdivision sa Brgy. City Heights, General Santos City noong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jonathan Steffy at ang misis nito na si Roberta, parehong nasa hustong gulang at kapwa American missionaries ng Mt. Calvary Baptist Church.

Ayon kay SFO1 Fi­lamer Acob, imbestigador ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng lungsod, nangyari ang sunog alas-3:00 ng madaling araw sa kabila ng malakas na buhos ng ulan su­balit pasado alas-4:00 na umano ng madaling araw nang  ireport sa BFP kaya halos natupok na ang nasabing bahay nang dumating ang responde.

Posible umanong na-trap ang mag-asawa sa isang silid matapos na naka-lock pa umano ang kanilang kuwarto kung saan natagpuan ang bangkay ng mag-asawa.

Kabilang din sa nasunog ang mini-van ng mag-asawa na ginagamit sa kanilang magmimisyon.

Posible umanong ang wire ng kuryente sa kisame ang sanhi ng sunog na nagka-short circuit. 

Gayunman, patuloy pang iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog. 

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with