_ngayon
^

Probinsiya

Lasenggang misis, tinadtad sa bahay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

ATIMONAN, Quezon, Philippines — Tadtad ng saksak at patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang kuwarto ang isang misis na makailang beses na nakipag-inuman sa mga kapitbahay sa Purok Bagong Silang, Barangay Angeles ka­makalawa.

Kinilala ni P/Major Reden Romasanta, chief of police rito ang biktima na si Lorena Deseo, 51, may asawa, at residente ng nabanggit na lugar.

 Batay sa imbestigasyon, dakong alas-7:30 ng gabi ay huling nakitang nakikipag-­inuman ang biktima sa kanyang mga kapitbahay. Nang malasing, dalawang beses pa umanong lumipat ang biktima sa mga kapitbahay upang makipag-inuman hanggang sa halos gumapang na nang umuwi sa bahay nito.

 Gayunman, dakong ala-1:30 ng madaling araw ay ginulantang ang mga residente sa pagkakatuklas na tigmak na ng dugo ang buong katawan ng biktima at patay na sa loob ng kanyang bahay.

Inaalam na ng pulisya kung sino ang responsable sa pamamaslang sa biktima at motibo sa krimen.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with