_ngayon
^

Probinsiya

Non-essential travels sa Baguio City sinuspinde

Pilipino Star Ngayon
Non-essential travels sa Baguio City sinuspinde
Sa kanilang inilabas na travel restriction advisory nitong Biyernes ng hapon, sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Ma­galong na ang mga biyahero na may “indispensable purposes” lamang ang kanilang tatanggapin sa Baguio City.
DOT/Released

BAGUIO CITY, Philippines — Kasabay ng matinding paghihigpit sa ipinatutupad na community quarantine sa Metro Manila at iba pang lugar dahil sa COVID-19, iniutos ni Baguio City Mayor Benjamin Ma­galong na pansamantalang suspindihin ang lahat ng “non-essential travels” o hindi importanteng biyahe papasok sa lungsod.

Sa kanilang inilabas na travel restriction advisory nitong Biyernes ng hapon, sinabi ni Magalong na ang mga biyahero na may “indispensable purposes” lamang ang kanilang tatanggapin sa Baguio City.

Ito aniya ay upang maiwasan ang matin­ding posibilidad na magkaroon ng pagtaas ng kaso o matinding hawaan sa COVID-19 at sa kinatatakutang Delta variant kasunod ng pag­lagay ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mas mataas na community quarantine restrictions sa National Capital Region (NCR) at sa iba pang lugar na ikinokonsiderang “high risk”.

“We will not be allowing non-APORs (Au­thorized Persons Outside Residence) to Baguio City regardless of origin,” pahayag ng alkalde.

Ang pagpapatupad sa paghihigpit laban sa non-essential travels sa Baguio City ay epektibo kahapon, Hulyo 31 na magtatapos ng isang linggo.

Ang isang linggong ban sa mga travellers ay maaari ring mapalawig, paliwanag ni Ma­galong, kapag hindi umano na nasawata ang hawaan ng COVID-19 sa mga high risk areas sa bansa.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with