_ngayon
^

Probinsiya

2 binatilyo nilamon ng ilog

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
2 binatilyo nilamon ng ilog
Kinilala ang dalawang nasawi na sina Elmer Maquiniana, 13, at Kenneth Magora, 16, kapwa residente ng Taft Street sa nabanggit na lugar.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang menor-de-edad na lalaki ang nasawi matapos malunod habang naliligo sa Cagayan River sa Barangay Centro 5 ng lungsod na ito kamakalawa.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Elmer Maquiniana, 13, at Kenneth Magora, 16, kapwa residente ng Taft Street sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, nagtungo umano sa ilog ang mga biktima kasama ang apat pa nilang kaibigan para maligo sa kabila ng mahigpit na pagbabawal na magtungo sa Cagayan River. Habang nasa tubig umano ang dalawa nang bigla silang lumubog at tuluyang tangayin ng malakas na agos.

Matapos ang halos dalawang oras na paghahanap ng mga rescue team, natagpuan ang dalawa sa ilalim ng tubig  malapit sa mga nakalagay na crossblock ng ilog. Agad isinugod sa Cagayan Valley Medical Center ang dalawa subalit kapwa idineklarang dead-on-arrival.

ELMER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with