_ngayon
^

Probinsiya

Higit P90K halaga ng halaman ninakaw sa taniman

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCBAN Quezon, Philippines — Aabot sa mahigit P90,000 halaga ng mga halaman ang ni­nakaw sa isang flo­wer farm sa Sitio Spring, Brgy May It sa bayang ito, kamakalawa.

Batay sa ulat ng pulisya, napansin ni May It Flower Farm Supervisor Sonny Villanueva na may mga nawawalang halaman sa nursery ng nasabing farm dakong alas-7:00 ng umaga.

Kabilang sa mga ninakaw na halaman ay ang 14 piraso ng Green Congo Timba­, 5 piraso ng Red Cherry, 20 piraso ng Painted Lady, 8 pirasong Hope, 8 piraso ng Olympiad at 12 pirasong New Orange na aabot sa halagang P93,691.

Posible umanong sinamantala ng mga hindi pa nakikilang suspek ang power interruption sa nasabing barangay para nakawin ang mga halaman.

Nanawagan ang pulisya sa publiko na ipagbigay alam sa kanilang himpilan kung sino man ang mabentahan o may malaman silang nagbebenta ng mga naturang halaman upang madakip ang mga hindi pa nakikilalang mga suspek.

HALAMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with