_ngayon
^

Probinsiya

Mag-ama na NPA supporter arestado sa raid

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mag-ama na NPA supporter arestado sa raid
Kinilala ang mga suspek na si Prudencio Borado Sr., at anak na si Prudencio Jr., 26-anyos, kawani ng munisipyo at residente ng nasabing barangay.
STAR/ File

ESPERANZA, Masbate, Philippines — Parehong kalaboso ang isang mag-ama na sinasabing tagasuporta ng mga komunistang New People’s Army (NPA) matapos na maaresto sa magkahiwalay na pagsalakay ng mga pulis dahil sa pag-iingat ng armas sa Sitio Harapay, Brgy. Villa ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na si Prudencio Borado Sr., at anak na si Prudencio Jr., 26-anyos, kawani ng munisipyo at residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-5:35 ng umaga, bitbit ang search warrant na inilabas ng branch 49 ng 5th Judicial Region-Cataingan ay unang sinalakay ng mga kasapi ng Esperanza Municipal Police Station, Masbate Provincial Explosives and Canine Unit, Provincial Mobile Force Company at Provincial Intelligence Unit ang bahay ng nakatatandang Borado sanhi ng kanyang pagkakaaresto. Nakuha rito ang isang kalibre 45 baril at mga bala.

Mag alas-6 ng umaga naman nang salakayin ng mga operatiba ang tinutuluyan ng nakababatang Borado kung saan nakuha ng mga pulis ang isang kalibre 45 baril, mga bala at isang granada.

Parehong supporter umano ang mga suspek ng NPA sa ilalim ng Rogelio Suson “Ka Manong” Command.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with