_ngayon
^

Probinsiya

2 ‘tulak’ kumasa sa buy-bust, todas

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
2 âtulakâ kumasa sa buy-bust, todas
Kinilala ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng pulisya rito, ang dalawang nasawing drug suspects na sina Honorio Cabodoc alyas “Junior”, 47, ng Brgy. D.S. Garcia, Cabanatuan City at Oliver Balagtas alyas “Orly”, 36, ng Brgy. San Miguel na Munti ng bayang ito.
STAR/ File

TALAVERA, Nueva Ecija, Philippines — Dalawang lalaki na kapwa umano tulak ng droga ang nasawi makaraang kumasa sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na barangay sa bayang ito, kamakalawa.

Kinilala ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng pulisya rito, ang dalawang nasawing drug suspects na sina Honorio Cabodoc alyas “Junior”, 47, ng Brgy. D.S. Garcia, Cabanatuan City at Oliver Balagtas alyas “Orly”, 36, ng Brgy. San Miguel na Munti ng bayang ito.

Ayon kay Bruno, aabot sa kabuuang 11.90 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P85,000 ang narekober ng pulisya sa dalawang napatay na suspek na ­kapwa umano kabilang sa drugs watchlist sa ba­yang ito, bilang pusher at user.

Nabatid sa ulat na alas-4:30 ng Biyernes ng hapon nagsagawa ng buy-bust ang Station Drug Dnforcement unit (SDEU) ng Talavera PNP katuwang ang mga operatiba ng PPDEU/PIU ng Nueva Ecija Police sa Brgy. San Miguel na Munti laban sa suspek na si Balagtas kung saan nanlaban umano ito at napatay nang gantihan ng putok ng operatiba. Nakuha rito ang 11 plastic sachet ng shabu na may timbang na 5.30 gramo at P40,000 ang halaga at isang Colt 9mm pistol.

Napatay rin ng SDEU-Talavera at PPDEU/PIU ng NE Police sa Brgy. Sampaloc, alas-11:50 ng gabi nang manlaban sa buy-bust operation si Cabodoc na nakuhanan 2-sachet ng shabu na may timbang na 6.60 gramo at halagang P45,000. 

HERYL BRUNO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with