_ngayon
^

Probinsiya

Binata timbog sa P3.5 milyong shabu sa Bacoor

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Nasabat ng puwersa ng pulisya sa isang drugbust ang may P3.5 milyong halaga ng shabu sa isang 30-anyos na binata na nasa High Value target Individual ng pulisya, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Salinas 2, Bacoor City.

Kinilala ni Police Major  Joseph Ulfindo , Ca­vite Provincial PIO ang suspek na si Jaymar Vinluan, isang high value target individual (HVI) ng pulisya at residente ng Brgy. Salinas 2, Bacoor City.

Sa ulat, isang joint operation ang ikinasa ng Bacoor Police at Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban kay Vinlauan dakong alas-2:20 ng hapon.

Agad na inaresto umano ang suspek nang magbenta ng droga sa isang poseur buyer ng pulisya.

Narekober dito ang isang itim na bag na may lamang 16 me­dium size plastic sachet ng shabu na nasa 520 gramo at P3,536,000 ang halaga; isang digital weighing scale, notebook na may mga nakasulat ng transaksyon ng suspek, isang cellphone, buy-bust money at mga drug paraphernalia. 

PIO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with