4 Abu Sayyaf utas sa engkuwentro

MANILA, Philippines — Apat na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay habang isa ang naaresto sa isinagawang operas­yon ng Philippine National Police (PNP)-Special Action Force sa Barangay Balobo, Lamitan City, Basilan kamakalawa.

Kinilala ni Special Action Force (SAF) Director Police Major General Felipe Nati­vidad ang mga nasa­wing terorista na sina Baradi at Remie Ganie, Mando Morales at isang Jack Akalul habang naaresto naman si Dawam Morales.

Sa ulat ni Natividad kay PNP chief General­ Guillermo Lorenzo Elea­zar, magsisilbi lamang ng warrant of arrest ang mga pulis laban sa mga suspek para sa mga kasong murder, kidnapping at carnapping nang sila ay makipagbarilan sa mga awtoridad.

Pinaniniwalaang nasa ilalim ni ASG sub-leader Radzmil Jannatul ang lahat ng mga napatay na target ng arrest warrant.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang KG9 cal. 9mm submachine pistol; isang cal. 45 pistol; shotgun; isang cal. 30 at mga basyo ng bala mula sa iba’t ibang kalibre ng baril.

Show comments