73-anyos naligo sa dagat, nalunod

CAVITE, Philippines — Isang 73-anyos na lolo ang natagpuang palutang-lutang sa karagatan ng Munting Mapino Fishport, Brgy. Munting Mapino, bayan ng Naic, dito kamakalawa.

Ang biktima ay si  Rogelio Lopez, residente ng Brgy. Munting Mapino Naic Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-3:30 ng hapon nang magpaalam ang biktima sa anak nito na si Arlene Pera na maliligo lamang sa dagat dahil sa naiinitan ang lolo.

Gayunman, ilang oras na umano ang lumipas ay hindi pa rin nakakauwi ang lolo kaya pinuntahan na ng kanyang anak su­balit sinalubong ang huli ng isang kapitbahay at sinabing may natagpuang lulutang-lutang na lalaki sa dagat.

Agad na kumaripas ng takbo ang anak ng lolo patungo sa dagat at dito niya nadatnan ang ama na pinagkakaguluhan matapos malunod.

Agad na itinakbo sa San Lorenzo Hospital ang matanda subalit idineklara siyang dead-on-arrival.

Show comments