_ngayon
^

Probinsiya

Inaway ng live-in partner, mister naglasing bago nagbigti

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

ABUCAY, Bataan MANILA, Philippines — Natagpuang naka­bigti ang isang 21-anyos na construction worker gamit ang isang nylon cord matapos umanong awayin ng kanyang kinakasama sa Brgy. Calaylayan ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Abucay Municipal Police ang nagpakamatay na si Edwin Manzanilla residente ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nadiskubreng nakabigti si Manzanilla bandang alas-9:30 ng gabi ng kanyang live-in partner na menor-de-edad sa kanilang tahanan.

Ayon sa babae, lasing umano ang kinakasama at nagkasagutan sila sa hindi tinukoy na dahilan hanggang sa humantong ito sa mainitang pagtatalo. Dahil dito, minabuti umano niyang umalis ng kanilang bahay at iwan mag-isa ang kinakasamang lalaki.

Pero makalipas ang ilang sandali nang bumalik na ang babae ay nagulantang siya nang makita ang ka-live in na wala nang buhay habang nakabigti.

Ayon pa sa pulisya, walang indikasyon na mayroong “foul play” sa insidente.

PATAY POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with