_ngayon
^

Probinsiya

Sa loob lang ng 5-araw 21 patay sa COVID-19 sa Bataan

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Sa loob lang ng 5-araw 21 patay sa COVID-19 sa Bataan

BALANGA, Bataan, Philippines — Dalawampu’t isang pasyente ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa loob lamang ng 5 araw simula June 29 hanggang ka­makalawa dahilan para sumirit sa 376  ang kabuuang bilang ng lahat ng mga nasawi sa lalawigang ito.

Pinakahuling mga nasawi ayon sa huling ulat ng Provincial Health Office ay isang 68-taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga; isang 60-anyos na lalaki mula sa Dinalupihan, 47-anyos na babae mula sa Dinalupihan; 57-taong gulang na babae mula sa Hermosa at isa pang lola na 74-anyos na taga-Samal.

Sa tala, nasa 1,176 na ang aktibong kaso sa buong lalawigan matapos madagdagan ng 75 na panibagong nagpositibo.

Sa kabila nito, nasa 9,753 ang bilang ng mga gumaling na matapos maidagdag ang 47 na panibagong nakarekober.

Sa kasalukuyan ay sumampa na sa 11,285 ang kabuuang bilang ng mga taong nahawaan ng COVID-19 sa Bataan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with