_ngayon
^
6-anyos inatado nang saksak ng 16-anyos na pinsan
Ang biktima na itinago sa pangalang Daniel ay natagpuang may mga saksak sa katawan malapit sa kanyang bahay.
STAR/ File

6-anyos inatado nang saksak ng 16-anyos na pinsan

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2021 - 12:00am

VIGAN, Catanduanes, Philippines —  Karumaldumal na kamatayan ang sinapit ng isang 6-anyos na batang lalaki matapos na pagsasaksakin ng kanyang dalagitang pinsan dahil lang sa hindi ito  sumunod sa ipinag-uutos naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Tinago ng bayang ito.

Ang biktima na itinago sa pangalang Daniel ay natagpuang may mga saksak sa katawan malapit sa kanyang bahay.

Nasa kostudya naman ng social worker ang 16-anyos na dala­gitang suspek na iti­­nago sa pangalang “Vivian” na isasailalim sa intervention at psychiatric evaluation.

Sa ulat, pasado alas-6:00 ng gabi uma­lis ang lola ng biktima para bumili ng krudo sa tindahan at pagbalik ay hindi na maha­nap ang apo.

Dakong alas-5:30 kinaumagahan ay nagulat ang isang residente na si Francisco Tawat, 55-anyos nang makita ang bata na patay na at inakalang nalunod sa dagat.

Sa ginawang post mortem examination ng Viga Rural Health Unit, lumabas na na­matay ang biktima sa pananaksak base sa nakitang mga sugat sa itaas na bahagi ng tiyan, likod, leeg at iba pang bahagi ng kata­wan.

Habang ginagawa ang imbestigasyon ng mga pulis ay lumutang si Vivian at umaming siya ang sumaksak at nakapatay sa pinsan dahil hindi tumalima sa kanyang pinag-u­utos, bukod pa sa may boses din umano siyang narinig at nag-uudyok na patayin ito.

SOCIAL WORKER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with