^

Probinsiya

Farm caretaker binoga sa ulo, dedo

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BACNOTAN, La Union , Philippines — Dead-on-the- spot ang isang 49-an­yos na lalaki na farm caretaker matapos na siya ay barilin sa ulo habang nagpapahinga sa kubo, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Ballogo ng nasabing bayan.

Kinilala ang nasawi na si Cristito Morate, tubong Imus, Cavite na kasalukuyang nagtatrabaho bilang farm caretaker sa nasabing barangay.

Sa ulat, alas-9:35 ng gabi ay nagpapahinga sa kubo ang biktima nang pasukin ito ng hindi­ pa kilalang suspek at walang kaabug-abog na barilin sa ulo na agad nitong ikinasawi.

Nang masigurong patay na ang biktima ay tumakas ang suspek sakay ng isang kulay orange na  pick-up truck.

Pinag-aaralan na ng pulisya ang CCTV footage upang madetermina ang sasakyan kung saan ito patungo na maaaring makilala ang suspek.

vuukle comment

CARETAKER

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with