Drug pusher, online drug dealer arestado

BAGUIO CITY , Philippines — Isang street drug pusher ang nadakip sa Abra habang isang online drug dealer ay nabitag ng mga operatiba sa lungsod na ito noong Martes at Miyerkules. Batay sa ulat, kama­kalawa nang maaresto ang suspek na si Arvie Bigornia, 28, ng Brgy. Angad, Bangued ng mga otoridad sa drug operation sa bisinidad ng Casamata Hill, Bangued.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong sachet ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na mahigit 1.5 gramo. Sa Baguio City, naaresto rin ng mga otoridad ang isang High-Value Individual (HVI) na online drug dealer sa  isang operation sa Diamond Subdivision, San Luis, noong Martes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Reina Salvador Buenaventura, 28, tubong Nueva Ecija at residente ng  Diamond Alley, San Luis, na nakumpiskahan ng   .40 grams ng shabu.

Show comments