Boy sa vulcanizing shop dedo sa ‘hit and run’

GUMACA, Quezon, Philippines — Lasog ang katawan at namatay noon din ang boy o helper ng isang vulcanizing shop makaraang sagasaan at takbuhan ng Bicol bound na hindi pa batid na uri ng sasakyan kamakalawa ng madaling araw sa Villa Padua.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joseph Idian, 36, may live- in partner at residente sa Purok 2 ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:15 ng madaling araw ay kinukumpuni ng biktima ang gulong ng trak ng kanilang kustomer sa gilid ng Maharlika Highway nang bigla siyang banggain at sagasaan ng hindi pa batid na uri ng sasakyan at takbuhan.

Mabilis na dinala ang biktima ng kanyang mga kasamahan sa Gumaca District Hospital subalit dahil sa matinding inabot na pinsala ay idinekla­rang dead-on-arrival.

Show comments