_ngayon
^

Senglot nag-dive sa irigasyon, tepok

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang sinasabing lasing na lalaki ang nasawi matapos tumalon sa irigasyon sa Purok 5, Barangay Rizal ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Santiago City Police ang nasawi na si Jerome Alnajes, 30, residente ng Rufino Roque Village sa nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon, nakainom umano ang biktima at nakita pang tumalon sa natu­rang irigasyon dakong alas-3:00 ng hapon.

Agad naman na nagtulung-tulong ang mga residente para sagipin ang biktima subalit hindi agad nakita dahil sa lalim at malakas na agos ng tubig.

Dakong alas-8:00 ng gabi nang makita ang wala nang buhay na katawan ni  Alnajes na sinasabing may problema rin umano sa pag-iisip.

LUNOD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with