_ngayon
^

Probinsiya

‘Tiktok Challenge’ aarangkada sa founding anniversary ng UPRIIS

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Gagamitin ng National Irrigation Administration-Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (NIA-UPRIIS) na nakabase sa lungsod na ito, ang Tiktok app para sa kanilang 58th founding anniversary sa Hunyo 28.

Ayon kay Engr. Rosalinda Bote, UPRIIS department manager, ilulunsad nila ang “TikTok Challenge” sa lahat ng kanilang division offices bilang bahagi ng kanilang selebrasyon sa espeyal nilang araw.

Sinabi pa ni Engr. Bote na umaasa sila na sa pamamagitan ng TikTok, isang video-sharing media platform, ay maipapakita nila sa mundo na sa kabila ng mga limitasyong dala ng COVID-19 pandemic ay nagpapatuloy ang buhay partikular sa pagganap ng kanilang mga target na patubig sa mga magsasaka, ang kanilang numero unong stakeholders.

Sinabi rin ni Bote na ang Tiktok Challenge para sa lahat ng mga kalahok na tanggapan ng dibisyon ay dapat na kanilang nakumpleto na mga proyekto sa patubig upang maipakita na ang pandemya ay hindi hadlang ngunit ginawa silang mas malakas at mas makabago.

Sa UPRIIS Interim Division 6, sinabi naman ni Engr. Jose ­Ariel Domingo, na hindi sila nababagabag at sasali sa TikTok Challenge upang maipakita ang kanilang dalawang solar-power irrigation pump at slope protection project sa bayan ng Talugtog at sa Colosboa, Cuyapo. 

TIKTOK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with