_ngayon
^
10 pulis isinailalim sa restrictive custody, paraffin test
Ayon kay Eleazar, inatasan na niya si Police Regional Office (PRO) IV-A Director P/Brig. Gen. Eliseo Cruz at PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) Director Atty. Alfegar Triambulo para magsagawa ng masusing imbestigasyon sa kasong nabanggit.

10 pulis isinailalim sa restrictive custody, paraffin test

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2021 - 12:00am

Sa pagkasawi ng 16-anyos sa Laguna police ops

MANILA, Philippines — Ipinasailalim na sa restrictive custody at paraffin test ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang 10 pulis kaugnay ng pagkamatay ng dalawa katao kabilang ang isang 16-anyos na binatilyo matapos na mauwi umano sa shootout ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa Brgy. Canlalay, Biñan City, Laguna noong Miyerkules.

 Ayon kay Eleazar, inatasan na niya si Police Regional Office (PRO) IV-A Director P/Brig. Gen. Eliseo Cruz at PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) Director Atty. Alfegar Triambulo para magsagawa ng masusing imbestigasyon sa kasong nabanggit.

 “Aking iniutos na lahat ng mga pulis na kasali sa operation ay under restrictive custody na at isinailalim sa paraffin test. Ang mga baril naman na ginamit sa operasyon ay kasalukuyang isinasailalim sa ballistics examination,” pahayag ni Eleazar.

 Nabatid sa PNP chief na natapos na rin ang awtopsiya sa labi ng dalawang nasawi para makapagbigay-linaw sa imbestigasyon.

 Magugunita na nitong Hunyo 16, alas-4:30 ng hapon ay nagsagawa ng operasyon ang Laguna Police laban sa suspect na si Antonio Castillo alyas “Tala”, top 10 most wanted person, na napatay sa engkuwentro habang nadamay sa insidente ang menor-de-edad na si Jhondie Helis alyas “Jondy”.

 Sa nasabing operasyon, nakumpiska umano ng mga pulis ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000, P3,500 cash, dalawang cal. 38 revolver, timbangan at mga drug paraphernalia.

 Nanawagan naman ng hustisya ang pamilya ng nasawing si Helis at sinabing kahit sumusuko na ang binatilyo ay binaril pa rin ng mga pulis.

“Makakaasa ang pamilya ng mga nasawi at ang taumbayan na personal kong tututukan ang kasong ito. Nananawagan din kami sa pamilya ng mga nasawi at sa mga residente na nakasaksi sa pangyayari na makipagtulungan sa isinasagawa naming imbestigasyon,” apela ni Eleazar.

 Idinagdag ni Eleazar na pinatatapos na niya ang imbestigasyon hinggil sa kasong ito sa PROIVA at PNP-IAS sa lalong madaling panahon. 

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with