_ngayon
^
Nawawalang mag-asawa pinaslang sa pickup
Kinilala ang mga biktima na sina Gavino Sanchez, 49-anyos at misis nitong Arlene, 47, isang guro sa pampublikong eskuwelahan; pawang residente ng bayan ng Minglanilla.

Nawawalang mag-asawa pinaslang sa pickup

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang araw na pagkawala, natagpuang patay ang isang mag-asawa sa tabi ng highway ng lalawigan ng Cebu nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Gavino Sanchez, 49-anyos at misis nitong Arlene, 47, isang guro sa pampublikong eskuwelahan; pawang residente ng bayan ng Minglanilla.

Batay sa report ng Police Regional Office (PRO) 7, ang bangkay ng mag-asawa ay natagpuan sa loob ng isang nakaparadang Strada pickup sa tabi ng highway sa mabundok na bahagi ng Brgy. Tubod, San Fernando ng naturang lalawigan. May ilang araw na umano sa lugar ang sasakyan at buhay pa rin ang makina nito nang matagpuan.

Nang silipin ang loob ng behikulo ay dito na nadiskubre ang bangkay ng mag-asawa na may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa hulihang bahagi.

Ang mag-asawa ay napaulat na nawawala noong Miyerkules ng gabi matapos na mabigong makauwi sa kanilang tahanan. Ayon sa mga imbestigador, posibleng dakong alas-7 ng gabi pa nitong Biyernes pinaslang ang mag-asawa base sa kondisyon ng katawan at tumulong dugo mula sa kanila. Nakuha rin sa loob ng sasakyan ang mga basyo ng bala at cartridge ng baril na ginamit sa pagpatay sa mga biktima.

Pagnanakaw ang nakikitang pangunahing dahilan sa krimen.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with