_ngayon
^

‘Bata’ ng drug lord sa NBP utas sa shootout, P6.8 milyong shabu samsam

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2021 - 12:00am

CAMALIG, Albay, Philippines — Bulagta ang isang notoryusong tulak ng droga na may malawak na operasyon sa lalawigan ng Albay at may koneksyon umano sa isang kilalang drug lord na nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP) matapos na pumalag sa ginawang buy-bust ng mga pulis sa Purok-5, Brgy. Quirangay ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Dead-on-arrival sa Camalig Municipal Health Office ang suspek na si Antonis Tupas, nasa hustong gulang, isang high value target (HVT) at residente ng Brgy. Cruzada, Legazpi City.

Si Tupas ay may direktang linya umano sa kilalang drug lord na si alyas “Malik” na kasalukuyang nakapiit sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa, Metro Manila.

Sa pahayag ni Police Regional Office-5 director Brig. Gen. Jonel Estomo, dakong alas-11:23 ng umaga ay nakipagtransaksyon ang suspek sa poseur buyer na pulis.

Nang magkita sa napagkasunduang lugar sa Brgy. Quirangay at iabot ng suspek ang binibiling isang sachet ng shabu na tumitimbang ng 100-gramo at nagkakahalaga ng P300,000 sa poseur buyer ay nagsilabasan ang mga nakatagong operatiba.

Gayunman, sa halip sumuko ay bumunot umano ng baril ang suspek at pinutukan ang papalapit na mga pulis dahilan para gantihan siya ng putok na duguang bumulagta.

Mabilis na isinugod sa pagamutan si Tupas pero hindi na umabot nang buhay.

Maliban sa biniling shabu ay nakuha pa ng mga operatiba sa suspek ang isang malaking plastik ng shabu na tumitimbang ng halos isang kilo at nagkakahalaga lahat ng P6.8 milyon. Nabawi rin sa napatay na suspek ang kalibre 45 baril nito at mga bala. - Joy Cantos

SHABU SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with