_ngayon
^
16-anyos, 1 pa todas sa police ops sa Laguna
Ayon kay Nylla Maglinte, tiyahin ng na­sawing biktimang si Jhondy Maglinte Helis, ilang saksi ang nagsabi­ na nakaposas at nagma­­makaawa na ang kanyang pamangkin na huwag patayin suba­lit bi­naril pa rin umano ng mga pulis.
The STAR/Edd Gumban

16-anyos, 1 pa todas sa police ops sa Laguna

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 19, 2021 - 12:00am

Hustisya giit ng pamilya ng mga biktima

MANILA, Philippines — Humihingi ng hustisya ang pamilya ng 16-anyos na binatilyo at kasamahan nito na napatay umano sa police operations noong Miyerkules ng gabi sa Biñan City, Laguna.

Ayon kay Nylla Maglinte, tiyahin ng  na­sawing biktimang si Jhondy Maglinte Helis, ilang saksi ang nagsabi­ na  nakaposas  at nagma­­makaawa na ang kanyang pamangkin na huwag patayin suba­lit bi­naril pa rin umano ng mga pulis.

Hindi umano siya naniniwala na nanlaban ang kanyang pamangkin at kasama nitong si Antonio Castillo Dalit nang ihain ng mga pulis ang search warrant dahil sa kasong droga o pag­labag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Kabilang umano sa mga wanted persons sina Helis at Dalit.

Lumilitaw sa police report na inihain ang search warrant subalit bumunot ng baril ang dalawa na humantong sa barilan.

Nakuha mula kina Helis at Dalit ang 13 piraso ng medium plastic sachets na naglalaman ng shabu na may timbang na 50 grams at nagkakahalaga ng P340,000; dalawang caliber ng 38 revol­vers­; P3,500 cash; digital weighing scale, at illegal drug paraphernalia.

“Justice lang hiningi ko para sa pamangkin ko. Kung may mali man siya or wala hindi dapat pinatay nila. Nagmamakaawa sa kanila binaril pa rin nila nang brutal,” ani Maglinte.

Sinabi naman ni Lt. Col. Chitaddel Gaoiran, spokesperson ng Police Regional Office-4A na iimbestigahan nila ang insidente.

“Actually po ay automatic pong may gaga­wing investigation ang Internal Affairs Service ‘pag ganyan pong ope­rasyon na may namatay para po malaman kung nasunod po ng mga pulis ang SOP at wala silang nalabag na pro­cedure,” ani Gaoiran.

POLICE OPERATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with