^

Probinsiya

‘Cable man’ timbog sa P700K marijuana

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
�Cable man� timbog sa P700K marijuana
Kinilala ng Santiago City PNP ang nadakip na suspek na si Narciso Buen Jr., 24, ladderman ng isang telecommunication at residente ng Barangay Divisoria sa nasabing lungsod.
Miguel de Guzman, file

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang empleyado ng telecommunication ang nahulog sa bitag ng pulisya matapos madakip sa ikinasang buy-bust ope­ration sa Purok 2, Barangay Calaocan sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Santiago City PNP ang nadakip na suspek na si Narciso Buen Jr., 24, ladderman ng isang telecommunication at residente ng Barangay Divisoria sa nasabing lungsod.

Nagpanggap na buyer ang isang kagawad ng pulisya sa inilatag na buy-bust ope­ration ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Quirino Police Office, Regional Intelligence Unit at Santiago City Station 1 police na nagresulta sa pagkadakip ng suspek dakong alas-2:30 ng hapon.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang 4 na bricks, 1-rectan­gular form na box at isang malaking plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at mga marijuana seeds na tumitimbang ng 6 kilos at tinatayang may market value na P720,000.00.

Nabawi rin ang buy-bust money, cellphone at isang motorsiklo na walang plaka na ginamit ng suspek sa tran­saksyon.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with