P21.9 milyong marijuana plants, sinira

TINGLAYAN, Kali­nga, Philippines — Tinatayang aabot sa P21.9 milyon halaga ng tanim na marijuana ang sinira ng mga ope­ratiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bayang ito.

Base sa ulat kay PNP Chief, Police Ge­neral Guillermo Eleazar, isinagawa ang marijuana eradication ope­rations mula June 14 hanggang 16 sa Barangay Buscalan, Loccong at Butbut Proper.

Sa Barangay Buscalan, nadiskubre at agad ding winasak ang kabuuang 5,000 fully-grown marijuana plants na tinatayang aabot sa P1 milyon ang halaga.

Samantala, apat na plantation sites naman ang natagpuan sa Baamantala, apat na plantation sites naman ang natagpuan sa Barangay Loccong na may 34,000 marijuana plants na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.

Nasa 57,000 fully grown marijuana plants at 65,000 seedlings na nagkakahalaga ng P14.1 milyon ang nakita sa Barangay Butbut Proper.

Sa kabuuan, uma­bot sa 96,500 fully-grown marijuana plants at 65,000 seedlings ang sinira ng PNP at PDEA ngunit walang naaresto.

Pagtitiyak naman ni Eleazar, “Hindi lamang po mga plantasyon ng marijuana ang aming hinahanap. Lahat po ng pinagmumulan ng ilegal na droga sa bansa at ang mga nasa likod nito ay aming tutugisin.”

Show comments