_ngayon
^
Notoryus na âtulakâ todas sa buy-bust
Naisugod pa sa Naga City Hospital pero nasawi habang nilalapatan ng lunas sa tinamong mga sugat ang suspek na si Don Candelaria Gumba, 56-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.
STAR/ File

Notoryus na ‘tulak’ todas sa buy-bust

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2021 - 12:00am

NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Bulagta ang isang notoryus na tulak ng droga matapos na pumalag sa buy-bust operation ng mga pulis sa Zone-1 Proper, Brgy. Lerma ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa Naga City Hospital pero nasawi habang nilalapatan ng lunas sa tinamong mga sugat ang suspek na si Don Candelaria Gumba, 56-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-11:55 ng gabi, na­kipag-transaksyon ang suspek sa pulis na poseur buyer sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Regional Mo­bile Force Batallion 5, Regional Intelligence Division at Naga City Police Drug Enforcement Unit.

Nang i-abot na ng suspek sa pulis ang biniling isang sachet ng shabu sa halagang P1,500 ay nakahalata umano ang una nang lumabas na sa pinagkukublihan ang mga ope­ratiba.

Mabilis na tumakbo­ papasok sa bahay ang suspek at kumuha umano­ ng armas saka itinutok sa papalapit na mga pulis kaya inunahan na siyang pagbabarilin.

Nakuha mula sa suspek ang isang improvised na shotgun, mga bala, tatlong sachet ng shabu at buy-bust money.

BULAGTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with