_ngayon
^

7 pulis sa M’lang, North Cotabato nagpositibo sa COVID-19

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2021 - 12:00am

MLANG, Cotabato, Philippines - Naka-isolate na ngayon sa isang COVID-19 facility sa bayang ito ang pitong pulis na nagpositibo sa coronavirus, batay sa resulta na lumabas sa kanilang “confirmatory test” kahapon.

Ayon kay M’lang Police chief Lt. Col. Realan Mamon, ito’y matapos isinailalim sa rapid antigen test ang higit 50 personnel ng nasabing himpilan dahil nagkaroon sila ng exposure sa isang kasamahang pulis na una nang nag-positibo sa COVID-19 noong Hunyo 3.

Agad isinagawa ang contact tracing hanggang makitaan ng sintomas ang ilang pulis.

Kaugnay nito, sinabi ni Mamon na “manageable” pa rin umano ang M’lang Police Station at nanana­tiling normal ang takbo ng kanilang operasyon.

Pinasalamatan naman ni Mamon ang aktibong tugon ng lokal na pamahalaan ng M’lang upang ma­tulungan ang kanilang himpilan. Tiniyak nito ang mas pinahigpit pang minimum health protocols sa lahat ng PNP personnel at maging sa mga may sadya sa kanilang himpilan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with